Buwan ng wika

 Ginugunita ng Pilipinas ang Buwan ng Wika tuwing Agosto. Puno ng iba't ibang aktibidad ang buwan bilang pagsaludo sa wikang Filipino at sa pagmamahal sa bansa.Kaakibat ng pagdiriwang na ito ang pagbalik-tanaw sa kasaysayan ng pambansang wika at ang mga hakbang upang itaguyod at paunlarin ito.

Ang pagbuo ng isang pambansang wika upang mapagkaisa ang buong bansa ay mithiing nagsimula noong 1935, sa panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon.Sa Konstitusyon noong taong iyon, iniatas sa Kongreso ang "magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika."Napili ang Tagalog bilang batayan. Kalaunan, naiproklama ang wikang pambansang Pilipino sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Bilang 570, na nagkabisa noong 1946. Noong 1959 lamang ito opisyal na tinawag na Pilipino.
Upang maisaalang-alang ang iba pang mga katutubong wika, ang wikang pambansa ay pinaunlad muli simula noong 1973, at ito ay makikilala bilang wikang Filipino.
Opisyal na idineklara ang Filipino at Ingles bilang mga wikang pambansa sa Saligang Batas ng 1987.

Comments

Popular posts from this blog

Nutrition month

Acquaintance party